Connect with us

National News

PAGBABAKUNA VS. COVID-19 SA MGA EDAD 5-11 ANYOS, MAGSISIMULA NA SA FEB. 4: ‘ VERY SAFE ANG ATING BAKUNA’ — GALVEZ

Published

on

Photo: PNA

Magsisimula na sa Pebrero 4 ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga edad 5-11 anyos ayon kay vaccine czar and Secretary Carlito Galvez.

Sinabi ito ni Galvez sa late night broadcast ni Pang. Rodrigo Duterte. Aniya, inaasahang lalabas ngayong Linggo ang memorandum guidelines.

“‘Yong ating memorandum guidelines ay lalabas po ngayong week, at ‘yong ating townhall meetings na pamumunuan po ng DOH at series ng trainings ay tuloy-tuloy ngayong week, from January 24 to 28.  Darating po next week ang mga supply, at pwede na po tayong mag-rollout by February 4, next Friday,” pahayag ni Galvez.

“Mr. President, prepared na po tayo sa vaccination ng 5 to 11 years old, last January ay nagkaroon po tayo ng live orientation ng pagbabakuna ang US Embassy ng mga bata sa ganitong edad,” dagdag pa ng opisyal.

Sigurado rin aniya, na ligtas ang gagamiting bakuna para sa mga bata.

“Makaka-assure po tayo Mr. President, sa ating mga magulang na very safe ang ating gagamitin na bakuna dahil ito po ay mas mababa ang formulation na angkop para sa mga bata,” ani Galvez. — DK, RT

Source: Inquirer