National News
Pagbili ng 166 service cars ng DepEd, dinepensahan ng Palasyo
DINEPENSAHAN ng Palasyo ang pagbili ng Department of Education (DepEd) ng 166 bagong service vehicles na nagkakahalaga ng P250 M, kabilang na ang nasa 88 na truck.
“Lahat po ng napo-procure sa taong ito, eh, matagal na po iyong nasa drawing board,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa news conference.
“Itong pagbili po ng transportasyon ng DepEd, 2016 pa po iyan na-identify na pangangailangan ng DepEd at ngayon lang po iyan nabili pero iyan po ay included sa 2019 budget,” dagdag pa ng Palace official.
Batay naman sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), dapat umano na mas binibigyang pansin ng DepEd ang matinding kakulangan sa basic learning needs.
Giit ng DepEd, gagamitin ng field engineers ang mga sasakyan para sa field inspections. Gagamitin din umano ito ng regional offices ng ahensya para makaikot sa mga lalawigan.