National News
PAGBUBUKAS NG KLASE HINDI PAPAYAGAN NI PRES. DUTERTE HANGGA’T WALA PANG BAKUNA SA COVID 19
Inanunsyo ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang public address kahapon na hindi niya papayagang magbalik sa physical classes ang mga estudyante hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID 19.
“I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit ‘yang mga bata. Bahala ng hindi makatapos, for this generation, wala nang matapos na doktor at engineer. Wala ng aral, laro na lang. Unless I am sure that they are really safe, it’s useless to be talking about the opening of classes. Para sa akin, bakuna muna. Kapag nandiyan ‘yong bakuna, okay na”, ayon sa pangulo sa kanyang televised speech.
Kamakailan lamang ay hinimok ng kongreso ang gobyerno na ipagpaliban ang August 24 na pagbubukas ng klase hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID 19.
Ipinasiguro naman ng palasyo sa publiko na magiging “flexible” ito sa implementasyon ng pagbubukas ng klase para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante sa gitna ng pandemic.