Connect with us

National News

Pagbuo ng Bangsamoro Dev’t Assistance Fund, pinapapaspasan na ni Pangulong Duterte

Published

on

Photo from the web.

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng Bangsamoro Development Assistance Fund (BDAF) bilang pagtalima na rin sa Tripartite Review Process ng 1996 Final Peace Agreement.

Ang direktiba ay ginawa ng Chief Executive kasunod ng pagtatalaga nito kay Moro National Liberation Front  (MNLF) Founding Chair Nur Misuari bilang Special Economic Envoy on Islamic Affairs to the Organization of Islamic Cooperation (OIC).

Ayon sa Pangulo nais niyang maging plantsado ang lahat na may kaugnayan sa hakbang ng pamahalaan para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Ang pagbuo ng BDAF at Tripartite Implementation Monitoring Committee (TIMC) ang dalawang commitment ng pamahalaan na hindi pa natutupad sa TRP kasabay ng pagtatapos nito noong 1996 sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ang TIMC ay ang komiteng mangangasiwa sa implementasyon Bangsamoro Development Assistance Fund. -radyopilipinas.ph