Connect with us

National News

PAGKAKAROON NG BAKUNA KONTRA COVID-19 PARA SA BUWAN NG DESYEMBRE HINDI PA TIYAK- DOH

Published

on

DOH spokes person photo
Image: The Manila Times

Hindi pa tiyak sa buwan ng Desyembre ang bakuna kontra Covid-19 ayon sa Department of Health.

Sa kabila ng kamakailan lang na pagka-diskobre ng gamot kontra Covid-19 sa Russia, ang Philippine Health Official ay nagpaalala na baka hindi pa handa para sa nasabing buwan.

“Hindi pa po natin masabi kasi nasa Phase 3 pa lang ng clinical trials. Makikita po natin kung paano magpi-progress ito,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon pa kay Vergeire ang Pilipinas ay naghihintay parin nang resulta nang trials ng Russia. At kailangang tapusin pa umano ang Phase 3 clinical trials.

Inanunsyo ni Russian President Vladimir Putin na ang nasasakupan niyang bansa ang kauna-unahang nakatuklas ng Covid-19 Vaccine matapos ang mahigit dalawang buwang pag-aaral.

Sinabi rin ni President Rodrigo Duterte na tatanggapin niya ang alok ni Putin at susubukan ito sa Pilipinas loob ng clinical trials.