National News
Pagpapatigil sa paggamit ng single-use plastic, muling isinulong ni Sen. Legarda
Isinulong muli ni Sen. Loren Legarda ang panukala niya hinggil sa paggamit ng single-use plastic.
Ang naturang panukala ay naglalayong itigil na ang paggamit ng single-use plastic. Naniniwala rin ang mambabatas na para matugunan ang suliraning kinahaharap ng bansa sa polusyon at basura, dapat na i-mandato ang “extended responsibility scheme” sa mga negosyo at kumpanya.
Ang “extended responsibility scheme” ay isang paraan upang mapangalagaan ang kalikasan kung saan iniaatang sa mga kumpaniyang nagpo-produce ng plastic, ang responsibilad sa kabuuang panahon na buo ang produkto hanggang sa tuluyan na itong i-dispose.
Ayon kay Sen. Legarda, “We need to correct our behavior and mindset when it comes to single-use plastics by adopting more sustainable practices, such as recycling or upcycling, reducing our consumption, and proper disposal, to mitigate their detrimental effects to our environment, health, and our climate.”
Naglabas din ng pag-aaral ang Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) kung saan lumalabas na halos 164 milyong pirasong plastic sachet ang itinatapon sa bansa araw-araw noong 2019.
Ang Pilipinas ay itunuturing bilang isa sa mga bansang top plastic polluters sa mundo.