National News
Pagsasailalim sa state of calamity sa buong Luzon, Irerekomenda ng NDRRMC
IREREKOMENDA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isasailalim sa state of calamity ang buong Luzon dahil sa sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyo.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council executive director Undersecretary Ricardo Jalad, isusumite na kay Presidente Rodrigo Duterte ang nasabing rekomendasyon para maibigay ang disaster response.
Samantala, inutusan naman ni Defense Secretary at NDRRMC chairperson Delfin Lorenzana ang weather bureau na PAGASA na ireview ang historical data para mas mapaigting pa ang warning na maibibigay sa publiko bago manalasa ang bagyo.
Una nang inatasan ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng inter-agency task force para maipabilis at maayos ang government reponse sa mga sakuna.