National News
Pagtaas ng COVID cases, di dahil sa pagluwag ng face mask rule – analyst
Di maaaring maiugnay ang muling pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa pagluwag sa face mask mandate ng pamahalaan batay sa isang data analyst.
Sinabi ni ABS-CBN Data Analytics head Edson Guido na ang growth rate matapos ipatupad ang pagluluwag sa face mask mandate noong Setyembre 12 ay mas mababa kumpara sa growth rate ilang linggo matapos ang pagsisimula ng face-to-face classes nitong Agosto.
“Sa face-to-face classes, nakita talaga natin. Kasi pababa na ‘yung numbers eh, total cases natin sa buong bansa, even sa National Capital Region, pababa, biglang nag-U-turn even the positivity rate,” sa isang panayam.
“Pero dito sa optional wearing ng face mask outdoors, so far, sa nakikita natin kasi meron nang momentum eh sa increase doon sa face-to-face classes at ‘yun talaga ‘yung malaking change na nakita natin. Unlike ngayon, actually, even sa national level, ‘yung growth rate, also sa NCR, hindi na siya katulad noong mga nakaraang linggo na talagang mas mataas ‘yung increase.”
Posible naman aniya na mag “stabilize” ang bilang ng mga kaso sa mga susunod na linggo. | with reports from ABS-CBN