Connect with us

National News

PAKIKIPAGTSISMISAN, KUMPULAN SA LUGAR NG BOTOHAN, BAWAL SA ARAW NG ELEKSYON – COMELEC

Published

on

Photo Courtesy| I Juander

Mahigpit na ipagbabawal ng Commission on Elections (COMELEC) ang pakikipagtsismisan o pagtambay sa loob at labas ng mga lugar ng botohan sa araw ng eleksyon sa susunod na taon.

Kabilang ito sa mga hakbang na inilatag ng COMELEC para maiwasan ang hawaan sa COVID-19 ayon kay Comelec Deputy Executive Director for Operations Teopisto Elnas Jr. sa ginanap na forum na inorganisa ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel).

“Unlike before ‘yung experience natin, bago boboto, nag-kumpol-kumpol pa, nagchi-chismisan pa, nagkukwentuhan pa inside the voting center. This time, we will not allow it to happen,” ani Elnas.

Sinabi rin ni Elnas na magtatalaga sila ng mga Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) personnel para tumulong sa crowd control.

“Mayroon tayong mga COVID-19 safety protocols na naka-assign doon sa voting centers to manage and to check any situation na mayron nagkukumpul-kumpulan to the effect na hindi pa boboto, andon lang naka-tambay lang,” dagdag niya.

“Basically, sa labas pa lang, the PNP or AFP, as the case may be, will manage the crowd doon sa labas while they’re queuing before they enter the voting centers to see to it that minimum health standards and protocols are complied with,” aniya pa.

Sampu hanggang 15 botante lang ang papayagan sa loob ng mga polling place sa bawat grupo ng boboto o depende sa laki o liit ng pagdarausan ng botohan.

via GMA news