National News
Palasyo, nilinaw na nasa 1st wave pa lang ang bansa sa COVID-19 outbreak
Nilinaw ng Palasyo na nasa first wave pa lang ang Pilipinas sa COVID-19 pandemic kaugnay ito sa pahayag ng Department of Health (DOH) na nasa second wave na daw ang COVID outbreak sa bansa.
Binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala pang second wave ng COVID outbreak sa bansa.
Aniya, base sa mga ekspertong kaniyang kinunsulta, ang COVID cases na naitala sa Pilipinas simula Enero hanggang ngayong Mayo ay bahagi pa rin ng first wave.
Pinaalala din ng kalihim ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magsagawa na ng mga hakbang upang hindi na magkaroon ng second wave ng COVID outbreak sa bansa.
Continue Reading