National News
Pamahalaan, nais i-ban ang home quarantine — Año
Nais ng gobyerno na mahigpit nang ipagbabawal ang home quarantine para maiwasan ang transmission ng COVID-19 sa bahay, ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.
“What we are really going to do is really strictly implement the no home quarantine kasi mayroon na tayo, halimbawa sa mga well to do, mayroon naman tayong COVID hotels na kung saan puwede sila mag-isolate,” pahayag ni Año.
Paliwanag naman ng kalihim, merong mga exemptions sa nasabing plano, katulad ng mga senior citizens na hindi pwedeng ilipat sa quarantine facilities sa kanilang lugar.
Aniya, nagsimula nang pag-usapan ng National Task Force Against COVID-19 ang naturang plano na ipapatupad ngayong linggo.
Samantala, kailangan pa umano itong aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.