Connect with us

National News

Pangangaroling ngayong Pasko, planong ipagbawal sa gitna ng pandemya

Published

on

Photo: steemit

SINUSULONG ngayon ang panukalang ipagbawal muna ang pangangaroling sa Pasko sa buong bansa sa gitna ng pandemya.

Sinuportahan naman ito ng Joint Task Force COVID Shield dahil sa posibleng peligrong dala ng COVID-19 sa mga bata.

Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ng JTF COVID Shield commander, Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na hinihintay na lang nila ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) tungkol sa panukala.

Ayon kay Eleazar, delikado para sa mga bata, kung papayagan ng lokal na pamahalaan ang pangangaroling ngayong pasko.

“Caroling has always been part of the Filipino tradition, I believe each and every one of us has his or her funny and meaningful stories of caroling especially when we were children,” saad ni Eleazar.

“But the situation is currently different. We are facing a serious threat [from COVID-19] and we in the JTF COVID Shield believe that it is in the health interest of everybody if we could just stay home and enjoy the Yuletide season with our family,” paliwanag nito.

Ayon naman kay Cagayan Governor Manuel Mamba, ang nagbigay ng nasabing panukala, nakakabahala umano ang pagpunta ng mga bata sa ibang tahanan.

“Karamihan kasi ng carolers namin dito, they are not even from our place. ‘Yung pagpupunta nila from one house to the other, natatakot kami doon because it might cause the upsurge of COVID cases,” wika ni Mamba.

“At least they know that there is a medical and scientific basis of what we are trying to ask,” dagdag pa ng gobernador.

Continue Reading