Connect with us

National News

Panganib ng malawakang pagpasa ng mga Estudyante, Ikinakatakot ng mga Education advocacy groups

Published

on

Panganib ng malawakang pagpasa ng mga Estudyante, Ikinakatakot ng mga Education advocacy groups

Nagpahayag ng pag-aalala ang mga grupo ng Education advocacy groups hinggil sa “malawakang pagpasa” sa mga estudyante ng mga guro sa pampublikong paaralan, at nagpapahiwatig ito ng hindi pagsunod sa Department of Education’s (DepEd) na “No Child Left Behind” policy.

Ipinakita ng Philippine Business for Education (PBEd), sa kamakailang konsultasyon na isinagawa sa mga guro ng pampublikong paaralan na halos 10 hanggang 30 porsyento ng mga estudyante na inirerekomendang magpatuloy sa susunod na antas ay kulang sa kinakailangang batayang kakayahan para sa sunod na grade level.

“Nakita namin mula sa mga guro na walang datos tungkol dito dahil hindi ito iniulat o kinokolekta ang mga datos, ngunit sa mga usapan o kuwento, ipinapasa nila sa mas mataas na antas ang mga estudyante kahit hindi pa sila handa. Ito ay nangyayari sa ilang paaralan,” ayon kay Justine Raagas, tagapangasiwa ng PBEd.

Sinabi ni Raagas na tinatayang 10 hanggang 30 porsyento ng mga estudyante na inirerekomenda para sa pagpapaenroll sa susunod na antas ay “hindi talaga tumutugma sa antas ng kakayahan.”

Ayon naman kay Vladimir Quetua, chairman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), na ang praktis ng malawakang pagpasa ng mga estudyante ay tila resulta ng maling komunikasyon o maling pagkaunawaan ng ilang guro sa patakaran ng DepEd na “No Child left Behind”

“Sa pagkakaunawa ng ilang guro, tila iba ang pagkakaintindi nila sa patakaran ng DepEd na ‘Walang Batang Maiiwan,’ kaya nangyayari ang malawakang pagpasa ng mga estudyante,” ani Quetua.

Ipinaliwanag ni Quetua na sa mga ganitong pagkakataon, karaniwang sinisisi ang mga guro at napipilitang ipasa na lang ang mga estudyante.

Pinunto ng PBEd at ACT na ang praktis na ito ay magdudulot ng masamang epekto sa kakayahan ng mga estudyante sa pag-aaral sa susunod na antas at kapag sila ay magkolehiyo, na maaaring maglimita sa kanilang kakayahan sa trabaho sa hinaharap.

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na walang patakaran ang DepEd sa malawakang pagpapasa ng mga estudyante.

“Wala pong inilabas na anumang pahayag ang DepEd na nagpapahintulot ng malawakang pagpapasa. Naiintindihan namin na sa larangan, maaaring mangyari ang ganyang mga sitwasyon at iyan ang pinag-aaralan namin sa mga rason kung bakit ito nangyayari,” ani Poa.

Sinabi ni Raagas na upang pigilan ang praktis na ito, dapat bawasan ng DepEd ang trabaho ng mga guro upang makapokus sila sa pagtuturo at pagtatasa ng kakayahan ng kanilang mga estudyante.