National News
Pangulong Duterte, pinatigil ang pagmimina sa Tumbagaan Island sa Tawi-Tawi
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil muna ang mining operation sa Tumbagaan Island sa Languyan, Tawi-Tawi.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito’y para bigyang daan ang rehabilitasyon ng naturang lugar dahil sa umano’y malala nitong sitwasyon dahil sa pagmimina.
“The island has, at this point, been mined up and while rehabilitation efforts are underway, the President is issuing a directive to stop any and all mining in Tumbagaan Island and to step up the rehabilitation of the area by planting more trees and other efforts of rehabilitation,” saad ni Nograles sa online briefing.
“More action will be considered as more light is shed regarding the state of the island and the conduct of mining operations in the area,” dagdag pa nito.
Sisimulan umano ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno sa isla.
Kilala ang Pilipinas isa sa pinakamalaking supplier ng nickel ores sa nangungunang metal consumer ng China mula noong ipinagbawal ng Indonesia ang pag-export ng mga hindi naprosesong mineral noong nakaraang taon.
Source: Rappler.com
PANOORIN: Binanggit ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ihinto ang lahat ng operasyon ng pagmimina sa Tumbagaan Island, Tawi-Tawi at paigtingin ang rehabilitation efforts matapos masira ang lugar dahil sa pagmimina.