Connect with us

National News

Pangulong Duterte, pormal nang binigyan ng pwesto sa gobyerno si MNLF Chair Misuari

Published

on

MNLF Chaiman Nur Misuari (kanan) at Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa). Photo from the web

Pormal nang binigyan ng pwesto sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor at Founding Chairman ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari.

Nitong Lunes, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang pagtatalaga kay Misuari bilang Special Envoy of the President to the Organization of Islamic Cooperation (OIC) sa ilalim ng Department of Foreign Affairs.

Una ng inanunsyo ng Palasyo ang pagkakatalaga ng MNLF founding chairman sa gobyerno matapos ang pulong nito sa Pangulo sa Malacañang noong nakaraang buwan.

Sa mga nakaraang usapan, napagkasunduan ng dalawa na isulong ang kapayapaan sa Mindanao na malayo sa banta ng terorismo. – radyopilipinas.ph