Connect with us

National News

Pangulong Duterte, walang nakikitang korapsiyon kay Ex-BuCor Chief Faeldon

Published

on

Walang isyu ng korapsyon si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Pahayag ito ng Palasyo matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Faeldon, dahil sa pagsuway sa kanyang utos na huwag palayain si convicted rapist-murderer at dating Mayor Antonio Sanchez, dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na sa paniniwala ni Pangulong Duterte, walang bahid ng korapsyon ang pagkatao ni Faeldon kung kaya nasabi niya sa kanyang talumpati noong Biyernes sa Cebu City na tiwala at bilib pa rin siya sa dating marine official.

Sinabi pa ni Panelo, na prerogative na rin ni Pangulong Duterte kung itatalaga muli si Faeldon sa iba pang posisyon sa gobyerno.

Una nang nasangkot sa kontrobersiya si Faeldon sa 6.4 bilyong pisong shabu shipment noong siya pa ang pinuno ng Bureau of Customs (BOC).

Gayunman, sa kabila ng kontrobersiya, inilipat ni Pangulong Duterte si Faeldon sa BuCor kung saan nasangkot naman ito sa panibagong kontrobersiya dahil sa muntikan nang paglaya ni Sanchez.

By | Alvin Baltazar | Radyo Pilipinas | http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/pangulong-duterte-walang-nakikitang-korapsiyon-kay-ex-bucor-chief-faeldon