Connect with us

National News

Pangulong Marcos maglulunsad ng Media Literacy Campaign upang labanan ang Fake News!

Published

on

Pangulong Marcos maglulunsad ng Media Literacy Campaign upang labanan ang Fake News

Plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilunsad ang isang kampanya para sa media at information literacy kasunod ng problema ng bansa sa maling impormasyon at disimpormasyon.

Sa 14th edition ng International Conference of Information Commissioners noong Lunes, pinuri ni Marcos ang programa ng Freedom of Information (FOI).

Pangulong Marcos Jr.

Photo Courtesy: Bongbong Marcos Facebook Page

“Kinikilala namin na ang pekeng balita ay wala dapat lugar sa modernong lipunan,” sabi ng pangulo.

Upang labanan ang disimpormasyon at maling impormasyon, sinabi niya na ilulunsad ng pambansang pamahalaan ang isang kampanya para sa media at impormasyon na nakatuon sa digital, multi-media, at naaayon para kabataan.

“Masisiguro ng ating mga mamamayan ang patuloy na implementasyon ng FOI Program sa executive branch, sa pamamagitan ng Presidential Communications Office,” sabi ni Marcos.

“Amin pong muling inuulit ang panawagan hindi lamang sa executive branch, kundi sa lahat ng sangay ng pamahalaan, na ganap na itaguyod at ipatupad ang kalayaan ng mga tao sa impormasyon sa araw-araw nating operasyon, with good faith and with openness,” dagdag pa niya.

Ayon sa kamakailang ulat ng Britain-based Reuters Institute, ang mga influencer ay nagiging mas popular na pinagkukunan ng balita kumpara sa mga mamamahayag, ng mga kabataan.

Sa Pilipinas, mas maraming Filipino ang tumatangkilik sa mga platform ng social media, kasama na ang Chinese short-form video app na TikTok, upang kumuha ng kanilang mga balita, ayon sa ulat.