Connect with us

National News

PANUKALANG BATAS NA NAGLALAYONG TAASAN ANG ELECTION CAMPAIGN EXPENSES LIMIT, LUSOT SA KAMARA

Published

on

Photo via| abs-cbn.new.com

Lusot na sa huli at ikatlong pagbasa ang proposed bill na naglalayong taasan ang limit ng election campaign expenses ng mga kandidato at political parties.

Sa botong 213 na ‘yes’ at 6 na ‘no’ at isang abstention, lusot na sa Kamara ang House Bill 6095 na nagsasaad na mula P10 bawat botante, itataas ang limit sa P50 kada botante para sa presidente at vice president.

Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, lilikha ito ng dagdag na bentahe sa mga pulitikong may recourse sa pagsali sa eleksyon ngunit lalong dehado ang mga ordinaryong mamamayan na sasabak sa pulitika.

“Mula sa P10 na limit kada botante halimbawa, itataas ang limit patungong P50 kada botante para sa halalan sa pagka-presidente at bise-presidente. At pwede pa itong tumaas depende sa implasyon batay sa panukala” ayon kay Brosas.

“Totoong Hindi automatic na pera ang nagpapanalo sa isang kandidato sa eleksyon subalit sa kasaysayan ng eleksyon ng Pilipinas, malinaw ang mahahangong punto: susi ang rekurso at makinarya para mahalal sa posisyon,” dagdag pa niya.

Aniya ang dapat unahin ay ang pagiging patas sa mga kumakandidato malaki man o maliit ang pangalan nito.