National News
Panukalang dodoble sa P500 na pension ng mga indigent senior citizens, gumulong na sa Senado
Nasa Senate plenary na ang panukalang batas na naglalayong doblehin ang social pension ng indigent senior citizens mula P500 patungo sa P1,000.
Si Sen. Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Social Justice ang nagsponsor ng Senate Bill 2506 sa session kahapon, Lunes.
Sa kanyang speech, sinabi ni Villanueva na hindi sapat ang kasalukuyang monthly pension ng mga indigent senior citizen na P500 para sa kanilang mga pangangailangan.
Iginiit pa ni Villanueva na ang limandaang piso noon ay hindi ay hindi na po kasinhalaga ng limandaang piso ngayon.
“With Senate Bill No. 2506, this representation hopes that our indigent senior citizens will receive an additional P500 or a total of P1,000 monthly pension allowance. This initiative serves as a small token of appreciation to show how we value our elders for their immeasurable contribution to our community,” ani Villanueva.
Maging si Senator Risa Hontiveros ay umaasa din na maipapasa ang panukala bago magtapos ang 18th Congress.
“Naniniwala po ako na nasa puso ng mga miyembro ng Senado ang kapakanan ng ating mga nakatatanda, at nais ng bawat isa sa atin na mabigyan sila ng kaukulang pagkilala sa kanilang mahaba at patuloy na kontribusyon sa ating mga pamilya at sa ating lipunan,” saad ni Hontiveros.