Connect with us

National News

Panukalang ipagbabawal ang alak sa mga 21-anyos pababa, inihain

Published

on

Photo: Unsplash

Inihain ni Davao City Rep.  Paolo “Pulong” Duterte at Benguet Rep. Eric Yap ang House Bill No. 1753 o “Anti-Underage Drinking Act,” na magbabawal sa pagbebenta ng alak sa mga wala pang 21 taong gulang.

Ang mga edad 21- anyos pababa ay hindi papayagang uminom o bumili sa mga establisyemento katulad ng bar, restaurant, hotel, retail store, at supermarket.

Nakasaad sa panukala na pagbabawalan ring bentahan ang mga may problema sa pag-iisip.

Kapag maisabatas ito, ang mga negosyanteng lalabag ay posibleng mahaharap sa P50,000 multa at tatlong buwang pagkakakulong.

Binigyang-diin ni Duterte na ang pag-inom ng alak ay ikatlong risk factor na nagdudulot ng pagkasira ng kalusugan.

Umabot na rin sa 2.5 milyon ang nasawi rito kada taon batay sa datos ng World Health Organization (WHO).

“WHO further highlights that apart from the physical well-being, a wide variety of alcohol-related problems can have a devastating impacts on individuals and their families and can seriously affect community life,” saad ng may-akda sa explanatory note.

(With reports from Manila Bulletin)