Connect with us

National News

Panukalang P50K minimum wage para sa mga guro, muling ipinanukala sa Kamara

Published

on

Muling isinulong sa Kamara ang panukalang taasan sa P50,000 ang minimum na buwanang sahod ng mga public school teacher sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill No. 203 na inihain nitong Hulyo 1, isinusulong ng Makabayan bloc sa pangunguna ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang pagtaas ng minimum salary ng mga guro mula sa kasalukuyang P27,000 patungong P50,000.

Ayon sa mga mambabatas, layon ng panukala na itaas ang dignidad ng propesyon ng pagtuturo at itugma ang sahod ng mga guro sa kasalukuyang cost of living.

Hindi anila sapat ang kasalukuyang suweldo upang tugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga guro, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Bukod dito, iminungkahi rin ng Makabayan bloc na magkaroon ng taunang salary adjustment upang matiyak na ang kita ng mga guro ay makakasabay sa implasyon at gastusin sa pamumuhay.|SMV

Continue Reading