Connect with us

National News

PANUKALANG PAGTATANIM NG 10 PUNO SA MGA NAGBEBENTA NG SASAKYAN, ISINUSULONG NI LAPID

Published

on

Naghain ng panukalang batas si Senator Manuel “Lito” Lapid na inaatasan ang mga nagbebenta ng sasakyan na magtanim ng 10 puno kada transaksyon.

Batay sa Senate Bill 1938, dapat gawin sa loob ng anim na buwan ang pagtatanim ng puno, simula sa petsa ng bentahan.

Layunin ng panukalang batas na makatulong ang mga nasa sektor ng paggawa ng mga sasakyan sa reforestation programs ng pamahalaan.

“Hindi naman lingid sa ating kaalaman na kabilang sa nagpapadumi ng ating hangin at kasama na rin sa dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan ay ang mga sasakyan at ang ibinubuga nitong usok,” katwiran ng senador.

“Ngayon ramdam na natin ang tindi ng galit ng kalikasan lalo na sa panahon ng mga sakuna gaya ng bagyo kaya ngayon na rin ang tamang panahon na sa tingin ko ay dapat na aksyunan natin ang problemang ito,” ani Lapid.

Dagdag pa ng senador, sa oras na maipasa ito, bukod sa multa ay posible pang mapasara ang mga negosyo ng sinumang paulit-ulit na maglalabag sa nasabing batas.

Continue Reading