Connect with us

National News

Panukalang Salary Standardization 5, lusot na sa committee level

Published

on

Photo from the web.

Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang consolidated bill para sa pagpapatupad ng Salary Standardization para sa mga kawani ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Consolidated House Bill 5712, mula sa P11,000 ay aakyat sa P13,000 ang salary grade 1 na mga kawani ng gobyerno.

Kasama rin sa consolidated bill ang pagtaas ng sweldo ng  mga public school teachers.

Magkakaroon ng 30.1% na increase sa sweldo ng Teacher 1, para sa Teacher 2 ay 27.1% at 24.1% naman para sa mga Teacher 3.

Ibig sabihin ang mga Teacher 1 na kasalukuyang tumatanggap ng nasa P20,000 kada buwan, ay makatatanggap na ng P27,000 sa full implementation ng batas.

Hahatiin ang pagpapatupad ng SSL sa apat na tranche na sisimulan ngayong January 2020 hanggang 2023.

Kabuuang P34-bilyong pisong pondo ang ilalaan dito na nakapaloob sa 2020 budget sa ilalim ng Miscellaneous Personnel Benefit Fund.

Inatasan ang komite na agad gumawa ng committee report upang ma-sertipikahan na ito ng Pangulong Duterte bilang urgent.

Una nang naihain ang kaparehong panukala sa plenaryo sa Senado.

Oras na mabigyan ito ng certification na urgent ay posibleng maipasa ito bago mag-recess ang Kongreso. – radyo.pilipinas.net