Connect with us

National News

PASIG CITY, KAUNA-UNAHANG LUNGSOD NA MAY VACCINATION PLAN NA APRUBADO NG DOH AT WHO

Published

on

Larawan mula sa tribune.net.ph

Buong pagmamalaking ibinihagi ni Mayor Vico Sotto nitong Enero 26, 2020 na ang Pasig City ang kauna-unahang LGU sa buong bansa na may vaccination plan kontra COVID-19 na aprubado ng Department of Health (DOH)/World Health Organization.

Kasunod ito ng pahayag ng DOH sa isang Senate hearing na isa ang lungsod ng Pasig sa mga kinukonsiderang magsagawa ng unang vaccine roll out dahil sa kahandaan nito kumpara sa ibang LGU sa bansa.

Ibinahagi ng alkalde ng Pasig City ang magandang balita matapos ang kaniyang pakikipag-usap kina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr and testing czar Vince Dizon.

Pahayag ng alkalde, “Our LGU’s Beat Covid-19 Task Force will continue to work with our national government agencies, WHO, private medical institutions, and NGOs. They’ve been with us every step of the way.”

Naniniwala ang alkalde na mahalaga ang patuloy na pakikipagtulungan at koordinasyon upang maging mas mapadali ang mga hakbang laban sa pandemya.