Connect with us

National News

Payag ang Senado sa pagsuspinde ni PDu30 sa SSS rate hikes

Published

on

Pinagtibay na ng Senado ang batas na magbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspendihin ang taas-kontribusyon sa Social Security System (SSS) sa panahon ng national emergency o kalamidad.

Inaprubahan na ang bicameral report sa dalawang magkasalungat na probisyon ng Senate Bill 2027 at House Bill 8512 na magbibigay kapangyarihan sa isang Presidente na suspendihin ang taas-kontribusyon sa SSS.

Inamyendahan nito ang Social Security Act of 2018 kung saan magkakaroon ng pagtaas sa buwanang kontribusyon ng isang miyembro kada taon.

Ang pagtaas ng isang porsyento ng kontribusyon kada taon ay upang masiguro ang fund life ng SSS.

“Our proposal is not a prescription for bankruptcy as we are made to believe by a few people. This temporary hold in SSS premium hike in the name of compassion will not sink the SSS. It will remain financially buoyant,” ani Senator Joel Villanueva na isa sa mga sponsor ng batas.

“Yes, there may be a momentary dip in income but it is not and will never be an irreversible disaster,” dagdag ng senador.

Kasalukuyan naman ang deliberasyon sa pagsuspende ng taas-kontribusyon sa PhilHealth.

Article: REMATE