Connect with us

National News

PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Pope Francis

Published

on

Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpanaw ni Pope Francis.
Ayon sa Pangulo, itinuturing niya ang yumaong Santo Papa bilang “best pope” sa kanyang buhay.
“The Philippines joins the Catholic community worldwide in grieving the loss of His Holiness Pope Francis. A man of profound faith and humility, Pope Francis led not only with wisdom but with a heart open to all, especially the poor and the forgotten,” pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook post.
Pahayag pa ng pangulo, itinuro ni Pope Francis na ang pagiging mabuting Kristiyano ay nasusukat sa kabutihang loob at malasakit sa kapwa.
Aniya, ang pagpapakumbaba ng Santo Papa ay muling nagbalik ng maraming mananampalataya sa Simbahan.
“As we mourn his passing, we honor a life that brought hope and compassion to so many, and inspired us to love one another as Christ loved us,” saad ng pangulo.
Continue Reading