Connect with us

National News

PBBM, nagtalaga na ng bagong lider ng DTI

Published

on

Photo: Presidential Communications Office Facebook page

Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr si Trade Undersecretary Ma. Cristina Roque bilang Acting Secretary ng Department of Trade and Industry (DTI).

Inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post ngayong araw, Agosto 2, ang anunsyo kaugnay ng pagkakatalaga kay Roque. Ito ay ginawa sa kaparehong araw na naging epektibo ang pagbibitiw ni dating Secretary Alfredo Pascual.

Bago maging Acting Secretary ay pinamumunuan ni Roque ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) Development Group bilang DTI undersecretary.

Ayon sa isang pahayag ng PCO, tinutukan ni Roque ang mga programang naglalayong tulungan ang mga MSMEs. “She oversees critical areas including the Bureau of Small and Medium Enterprise Development, the Bureau of Marketing Development and Promotions, the OTOP (One Town, One Product) Program Management Office, and the Comprehensive Agrarian Reform Program Management Office,” ayon sa PCO. “Additionally, she manages the operations of the Small Business Corporation and the Cooperative Development Authority,” dagdag pa ng PCO.

Naniniwala umano ang pangulo na dahil sa dedikasyon sa trabaho at liderato ni Roque, siya umano ay isang “excellent choice” bilang acting head ng DTI. “The President emphasized the importance of the Department of Trade and Industry and the need for capable leadership. The DTI plays a pivotal role in our nation’s economic growth, particularly in supporting MSMEs,” ayon pa sa PCO. Samantala, nagtapos si Roque ng bachelor’s degree in Industrial Management Engineering, minor in Chemical Engineering mula sa De La Salle University.

Umaasa umano si Pangulong Marcos na magkakaroon ng “seamless transition” sa ilalim ng pamumuno ni Roque, ayon sa PCO. Inanunsyo ni dating Secretary Pascual ang kanyang pagbibitiw noong July 31.

Continue Reading