Connect with us

National News

PCG gagamit ng hybrid drone na gawa ng mga Pilipino sa pagmomonitor ng mga baybayin ng PH

Published

on

PCG Hybrid drone

MANILA, Philippines — Malapit nang gamitin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang prototype ng vertical take-off and landing (VTOL) drone na gawa ng mga Pilipino para sa surveillance, ayon sa pahayag nila nitong Miyerkules.

Batay sa post sa Facebook page ng PCG, itinurn-over ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) ang drone na dinisenyo at binuo ng research team ng Dodeca Drones, isang kumpanyang may punong tanggapan sa Mandaluyong. Gagamitin ito ng Coast Guard Aviation Force, na dati ring tumanggap ng limang AeroVironment RQ-20 Puma drones mula sa US.

“We look forward to continuing this partnership as we work together to navigate the future of maritime law enforcement,” sabi ni Coast Guard Adm. Artemio Abu, ang commandant ng PCG, ukol sa tulong ng UNODC sa pagpapabuti ng kanilang kakayahang magpatupad ng batas.

Bagaman madalas na napapabalita dahil sa mga operasyon sa search and rescue at sa mga patrol sa West Philippine Sea, ang coast guard ang pangunahing ahensya ng bansa sa pagpapatupad ng batas sa karagatan at aktibo sa mga kampanya laban sa smuggling at ilegal na droga.

Sa social media release ng Dodeca Inc., sinabi ng kumpanya na “this will enhance our country’s monitoring capabilities, ensuring safe coasts and shorelines.”

Noong Mayo ng bumisita sa Pilipinas ipinangako ni Australian Foreign Minister Penny Wong ang “drone equipment training and other technology to strengthen your Coast Guard’s maritime domain awareness and protection capabilities.”