Connect with us

National News

PCG, nagsagawa ng medical mission sa Davao

Published

on

PCG Medical Mission

Nagsagawa ng medical mission ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Balba, Magsaysay, Davao Del Sur upang tulungan ang mga biktima ng lindol na nangangailangan ng atensyong medical. 

Inilikas ng PCG sa emergency room ng Southern Philippine Medical Center, Davao City ang mga pasyente na nakararanas ng chronic pulmonary disease, kidney at heart related sickness matapos eksaminin ng mga doctor ng PCG.

Binigyan din ng atensyong medikal ng PCG medical team ang isang buntis. 

Bilang bahagi ng pagtugon sa mga nangangailangan ng atensyong medikal, nagpadala ang PCG ng walong doktor at nars sa mga naapektuhan ng malakas na pagyanig.  Nagpadala sila ng augmentation forces upang tumulong sa local health officials sa pagbibigay ng atensyong medikal sa mga evacuees.

Task Force Tabang Mindanao

Kaugnay nito, dahil sa nangyaring sunod sunod na pagyanig sa ilang parte ng Mindanao, bumuo ang PCG ng Task Force (TF) Tabang Mindanao upang tumulong sa pagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) sa mga naapektuhan ng lindol, particular sa Davao del Sur at North Cotabato.

Sa isang panayam kay Commodore Gregorio Adel Jr., commander ng TF Tabang Mindanao, sinabi niya na inatasaan ang kanyang grupo na agarang magpadala ng mga lahat ng mga available na resources upang makatulong sa pagsasagawa ng HADR sa  mga naapektuhan probinsya.

“We have to make sure that we can give their needs and we are expected to have a speedy action to respond to it,” ani Adel said.

Humingi naman ng pahintulot si Commodore Joseph Coyme, designated officer ng PCG National Headquarters,  mula kay Mayor Sara Z. Duterte na ilagay ang mga resources at relief goods sa Davao City dahil ito umano ang pinaka-istratehikong lugar dahil meron itong support system at accessibility sa mga seaports at daan.

“HADR is everyone’s concern. It includes the utilization of all government equipment, floating assets and all available means to immediately attend to the needs of the victims,” ani Coyme.

Ang TF Tabang Mindanao ay ang pagsasanib pwersa ng iba’t ibang regional offices ng Office of the Civil Defense, Regional and Local Disaster Risk Reduction Management Councils, Department of Social Welfare and Development, DOH, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.


BASAHIN: 5 EARTHQUAKE GENERATORS, NAKAPALIBOT SA WESTERN VISAYAS-PHIVOLCS