Connect with us

National News

PDuterte binanatan si Pacquiao: “puro ka praises sa akin tapos ngayon sabihin mo corrupt”

Published

on

PDuterte binanatan si Pacquiao

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao dahil sa pambabatikos ng senador na may kurapsyon umano sa administrasyon.

Hinamon ng pangulo si Pacquiao na ilista at pangalanan ang mga tao at ahensya ng gobyerno na sangkot sa korupsyon.

“Kagaya ni Pacquiao, salita nang salita na three times daw tayo mas corrupt. So I am challenging him, ituro mo ang opisina na corrupt at ako na ang bahala. Within one week may gawain ako,” saad ng Pangulo.

“Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming corrupt, ilista mo ‘yong mga tao at opisina — at dapat nilista mo na ‘yon at ibigay mo sa akin. ‘Di ba ang sabi ko noon, if you come to know that there is a corruption, let me know.”

“Give me the office and the… Ganoon ang dapat ginawa mo. Wala ka naman sinabi noong all these years, puro ka praises nang praises sa akin tapos ngayon sabihin mo corrupt,” sabi pa ng pangulo.

Binantaan din ni Duterte ang boxing icon na hihikayatin niya ang publiko na huwag iboto si Pacman sa darating na eleksyon kapag hindi nito mapangalanan ang mga “corrupt” sa gobyerno.

“Kung hindi, namumulitika ka lang and I would say na… I will be — if you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty. Do it because if not, I will just tell the people: “Do not vote for Pacquiao because he is a liar.”

“At saka madali parang — parang carabao na kung saan niyo na lang bibirahin, pupunta doon. I am not questioning your ability intellectually or what. But ‘pag hindi mo nagawa ‘yan, araw-arawin kita, I will expose you as a liar,” dagdag pa ni Duterte.