National News
PDUTERTE, KINUWESTIYON ANG UMANO’Y FALSE POSITIVE RESULT SA RT-PCR TESTING NG PHILIPPINE RED CROSS
KINUWESTIYON ni Pangulong Rodrido Duterte ang napaulat na false positive RT-PCR result sa mga COVID-19 tests ng Philippine Red Cross.
Ayon kay Duterte, nakatanggap siya ng ulat na maraming false positive result sa testing facility sa naturang ahensiya.
Inihayag ito ng pangulo sa kanyang Talk to the Nation kagabi.
Kinuwestiyon din ng pangulo ang pasilidad at mga equipment ng Philippine Red Cross.
“Are your testing facilities and equipment are really as good as you say they are because I have heard of many false positive cases from your laboratories…” saad ni Duterte.
“Because of this information then maybe the DOH must investigate this matter. You could be putting more people at risk. You could be falsely adding to the total positive cases per day of this country,” dagdag pa nito.
Kaugnay nito, papaimbestigihan na ng pangulo sa Department of Health (DOH) ang mga testing na isinagawa ng Philippine Red Cross.