Connect with us

National News

PERIODIC MEDICAL EXAMS, I-REQUIRE SA MGA DRIVER’S LICENSE HOLDER NA MAY 5, 10 YEARS VALIDITY

Published

on

Kailangan pa ring sumailalim sa periodic medical exams ang mga holders ng driver’s license na may lima o sampung taong validity.

Ito ang pahayag ni Land Transportation Office (LTO) Chief Asst. Secretary Edgar Galvante para masiguro na may kakayahan pa rin mag-drive ang motorista kahit ilang taon na itong naghahawak ng lisensya.

“Kung sa 5 years, ang best schedule na medical exam on the third year ng lisensya. Sa 10 years naman, on the 3rd, 5th and 7th year,” ayon kay Galvante.

Paalala umano ng mga doktor, na dapat i-monitor ng ahensya ang medical condition ng mga drivers.

Layon nitong masiguro na walang health issues ang mga drivers na maghahadlang sa kanilang kapabilidad na mag-drive.

Mababatid na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisimula nang mag-issue ang lahat na LTO offices sa bansa ng driver’s licenses may 10-year validity sa Disyembre.

Via: GMA News