Connect with us

National News

‘Perla’, tatama sa Luzon ngayong weekend

Published

on

'Perla' tatama sa Luzon

Tatama sa Northern Luzon ngayong weekend ang tropical depression ‘Perla’.

Tumatahak na sa 860 kilometrong silangan ng Tuguegarao City, Cagayan si Perla dakong 10 a.m. ngayong araw ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Chris Perez.

Samantala, maaring magtaas ng tropical cyclone warning signal no. 1 ang PAGASA sa ilang lugar sa Luzon sa Biyernes.

Ang pang-16 na bagyo sa bansa ngayong taon ay mag-uupisang magdala ng ulan sa northernmost provinces ng Batanes, Cagayan at Apayao sa Sabado.

Sa Linggo naman inaasahang magiging low pressure area ang Perla bago ito mag-landfall sa Cagayan dahil sa malalamig na hangin mula sa hilagang-silangan. 

Continue Reading