Connect with us

National News

Petisyon na makansela ang kandidatura ni ex-Sen Bongbong Marcos, inihain sa COMELEC

Published

on

Nakatanggap ng petisyon ang Commission on Election (COMELEC) laban sa kandidatura ni dating Senador at Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa halalan 2022.

Ilang mga grupo ng civic leaders ang naghain ng 50 pahinang Petition to Cancel or Deny Due Course the COC sa nitong Martes.

Ayon sa mga petitioner, hindi kwalipikadong tumakbo ang anak ng diktador dahil naglalaman ang kanyang COC ng multiple false material representations”.

Giit pa ng mga ito na maituturing na moral turpitude ang tax evasion conviction ni Marcos noong 1995 ng Quezon City Regional Trial Court dahil sa kabiguang paghahain ng kaniyang income tax returns.