National News
Petisyon para sa free COVID-19 mass testing, ibinasura ng Korte Suprema
IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon na nag-uutos sa gobyerno na magsagawa ng libreng mass testing para sa COVID-19.
Batay sa desisyon na ibinaba ng Supreme Court En Banc, nabigo ang mga petitioners na ipakita na may karapatan silang maisyuhan ng “writ of mandamus”.
Ang naturang petisyon ay inihain ng Citizens Urgent Response to End COVID-29 (CURE) na pinangugunahan ni dating Department of Social Welfare and Developt(DSWD) Secretary Judy Taguiwalo at ng iba pang mga grupo.
Nais umano nila na maglabas ang gobyerno ng “tama, napapanahon at kumpletong impormasyon” sa sitwasyon ng COVID-19 ng Pilipinas.
Giit pa ng mga petitioner hindi sapat ang ginagawang hakbang ng gobyerno.
Kaya’t nanawagan ito sa Korte Suprema na obligahin na ang mass testing sa bansa.
Tinabla naman ito ng Korte Suprema dahil hindi umano nilang pwedeng diktahan ang ibang sangay ng gobyerno kung paano isagawa ang mga plano nito.
“The job of the Court is to say what the law is, not dictate how another branch of government should do its job,” pahayag ng korte.