National News
Petron, Solane: Household LPG, tataas ang presyo ngayong Agosto 1
Kailangan na maghanda ang mga households sa pag-taas ng halaga ng liquefied petroleum gas (LPG) products simula ngayon, Agosto 1, 2021.
Sa isang advisory, sinabi ng Petron na itataas nila ang presyo ng kanilang household LPG ng P3.35 per kilogram. Ito’y katumbas ng karagdagang P36.85 para sa regular 11-kilogram LPG tank.
Dagdag pa nila na tataas rin ang kanilang AutoLPG ng P1.87 per liter.
“[Price adjustments] reflect the international contract price of LPG for the month of August,” pahayag nila.
Samantala, itataas rin ng Solane ang kanilang presyo ng LPG ng P3.27 per kilogram, na magiging effective, ngayong Agosto 1, 6 a.m.
Kamakailan lamang, inanunsyo ng LPG Dealers Association na itataas nila ng P2 per kilogram para sa mga LPG.
Ayon sa data ng Department of Energy, pinapakita rito na ang retail prices ng isang 11-kilogram household LPG tank ay nagkakahalaga sa pagitan ng P720 at P981 para sa buwan na Hulyo.
Source: GMA News