National News
PH “dead last” sa ranking ng COVID-19 Resilience ng Bloomberg


Sa 53 mga bansa, nasa panghuli ang rank ng Pilipinas sa COVID-19 Resilience Ranking ng Bloomberg na “best and worst places to be amid the pandemic.”
Sinukat ang “COVID-19 resilience” base sa mga specific indicators tulad ng:
- vaccination coverage
- severity of lockdowns and restrictions
- progress on restarting travel, particularly air travel easing border curbs
- case fatality rate
- overall mortality during the pandemic
Batay sa ulat ng Bloomberg, mababa ang nakuhang score ng bansa sa apat na metric na may kaugnay sa reopening, at kabilang din ang Pilipinas sa may mababang vaccine coverage rate na nasa 20% lamang.
Sinabi rin sa ulat na ang Pilipinas “is engaged in one of the most stringent lockdowns of the 53.”
Isa din daw sa mga naging hadlang ng bansa sa pag-mamanage ng pandemiya ay ang isang 1991 na batas na ginagawing responsable ang mga city, town, at village leaders para sa health system.
“Without uniform guidance, village-level health teams often follow the rules set by mayors or chieftains, resulting in a fragmented response to Covid,” sulat ng Bloomberg.
Dagdag pa nito na dahil sa mga “lingering lockdowns” upang ma-contain ang tuloy-tuloy ng pag-taas ng infection, nag-resulta ito sa pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon din sa Bloomberg, hindi makakamit ng Pilipinas ang target nito na mabakunahan ang 70% ng kabuuang populasyon ng bansa ngayong taon.
“A target it is unlikely to meet at the current pace.”
What PH should do?
Batay sa Bloomberg, kailangang mag-pokus ang Pilipinas sa pag-boost ng vaccination rate nito.
Dagdag rin ng Bloomberg na importante rin na ma-ensure ng bansa na ang mga bakuna ay mapunta sa mga “most at-risk populations first” upang mabawasan ang mga namamatay dahil sa COVID-19.
Samantala, “not surprised” ang gobyerno ng administrasyong Duterte sa ulat na ang Pilipinas at iba pang Southeast Asian na mga bansa ay nasa pang-huli ng listahan.
Pahayag pa ni spokesman Harry Roque na “richer countries get more vaccines.”
Ngunit sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang ranking ay makakatulong magbigay ng direksyon sa pag-responde ng bansa sa pandemiya, habang dagdag pa niya na nag-improve naman na ang vaccine rollout ng Pilipinas.