Connect with us

National News

PH, gagastos ng PhP 17.4 billion kada araw sa 2025 – Recto

Published

on

PH, gagastos ng PhP 17.4 billion kada araw sa 2025 - Recto

Mangangailangan ng aabot sa PhP 17.4 bilyon kada araw ang Pilipinas sa susunod na taon, ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.

Inanunso ni Recto sa deliberation ng proposed 2025 budget ng kagawaran at mga attached agencies na mas mataas ng halos 20.8 porsyento ang proposed budget ngayong taon kumpara sa 2024 General Appropriations Act Level.

Subalit depensa ng kalihim, ang PhP 33.5 bilyon raw ay gagamitin upang pondohan ang proposed 2025 budget ng bansa na aabot sa PhP 6.35 trilyon. Php 4.64 trilyon mula rito ay kukunin sa koleksyon ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs na kapwa attached agency ng DOF.

Of this, P4.64 trillion are supportable by revenues from the Bureau of Internal Revenue and Bureau of – both of which are attached agencies of the DOF.

“For next year, our expenditures amount to P17.4 billion a day, of which P12.72 billion pesos per day will be financed by revenue collections, and the rest, P4.68 billion, by loans. Every 24 hours,” ani Recto.

Mapupunta ang panukalang badyet sa pagpapaigting ng revenue administration, pagpapaunlad ng financial asset and debt management, pagmomodernisa ng Customs, atiba pa.

Mapupunta sa BIR ang pinakamalaking bahagi ng pondo na nagkakahalaga ng PhP 17.68 bilyon na sinusundan naman ng Bureau of the Treasury na paglalaanan ng PhP 6.46 bilyon. Samantala, aabot sa PhP 5.66 bilyon ang alokasyon para sa Bureau of Customs at Php 1 bilyon naman para sa Insurance Commission with P1 billion.

“The items discussed today are part and parcel of a larger effort to improve tax administration efficiency, deliver more responsive public service delivery, and provide economic prosperity for the Filipino people,” dagdag pa ni Recto.