Connect with us

Education

PH nakatanggap ng 5-star rating mula sa UNICEF para sa kanilang pagtugon sa edukasyon sa gitna ng pandemiya

Published

on

PH nakatanggap ng 5-star rating mula sa UNICEF para sa kanilang pagtugon sa edukasyon sa gitna ng pandemiya

Sa 67 na mga bansang nasuri, isa ang Pilipinas sa apat lamang na bansa na nakatanggap ng five-star rating para sa kanilang pagtugon sa pandemiya pagdating sa antas ng pangunahing edukasyon.

Batay sa isang pag-aaral ng United Nation International Children’s Emergency Fund (UNICEF), ang Pilipinas, kasama ang Argentina, Barbados, at Jamaica ay mayroong “efficient policy responses supported by high emergency preparedness and existence of household factors that support remote learning.”

Sa kamakailang na-publish na Ensuring Equal Access to Education in Future Crises: Findings of the New Remote Learning Readiness Index (RLRI), binanggit ng UNICEF ang naging tugon ng bansa sa basic education sa gitna ng pandemya.

Ang RLRI ay ang bagong composite indicator upang masukat ang “readiness” ng mga bansa sa paghahatid ng remote learning bilang pagtugon sa pagsasara ng mga paaralan.

Samantala, sa isang pahayag, nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) at masaya nilang tinanggap ang citation mula sa UNICEF.

“In this international recognition, we credit our teachers, parents, partners, learners, and other stakeholders for ensuring that learning opportunities shall be available to all Filipino children and showing the Bayanihan spirit in the realization of the Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP),” saad ng DepEd batay sa ulat ng Manilla Bulletin.

“Through our united efforts, we managed to support the education of more than 27 million learners while prioritizing their health and safety amidst the pandemic,” dagdag nila.

Gayumpaman, sinabi ng DepEd na pinag-aaralan rin nila ang rekomendasyon ng pag-aaral ng UNICEF upang lalong ma-improve ang curriculum, at matugunan ang mga learning gaps.

“The Department, together with our various partners, is continuously developing strategies to solve these familiar issues also encountered by other countries,” pahayag ng agency.

(Manila Bulletin)