Connect with us

National News

PH netizens kadalasan kumukuha ng news sources sa Social Media ayon sa pag-aaral ng Reuters

Published

on

Social Media News Source

Base sa isang pag-aaral, kadalasan nakakakuha ng balita ang mga Pilipino netizens sa social media kumpara sa ibang markets kung saan kinukuha nila ang balita direcly mismo sa mga news websites o apps o mga portals na nag-aggregate ng balita mula various sources.

Nilabas ito sa news trends, noong Lunes para sa four-day worldwide virtual conference ng mga news publishers.

Tinawag ang Pilipinas na “mainly social” market kung saan nang tanungin kung “Which of these was the ‘main’ way in which you came across news in the last week?” 51% ay nagsasabi sa social media.

At 24% lamang ang nagsasabi na sa search sila kumukuha, at 10% sa mobile alerts.

Si Prof. Rasmus Nielsen, director ng Reuters Institute for the Study of Journalism ang nag-present ng study habang pinag-uusapan ang “Business Barometer: The trends behind the trends” sa opening ng 72nd World News Media Congress.

Patungkol ang topic sa mga trends na maaaring makapagbigay-impormasyon sa “publisher’s investment decisions.”

Batay sa presentation ni Nielsen, kabilang ang mga bansang Brazil at Malaysia kunh saan ang source ng news ay mula sa social media tulad ng Pillipinas.

news sources

Samantala, ang tatlo pang ibang “models of online access” na binubuo ng mga bansa na ang source ay directly mula sa news websites at apps tulad ng Hong Kong, Finland, at Norway.

Ang Australia, Canada, at US naman ay mula sa mga varied sources; at ang Japan ay nag-rerely sa mga aggregator sites para sa balita.

Sa buong mundo, at ibat-ibang edad at bansa mayroong large majority na nagsasabi ” they preferred to access online news via search (25 percent) or social media (26 percent).” Pero para sa mga taong may edad 35 pababa, 34% sa kanila prefer ang social media.

Compatible ang pag-aaral mula sa Reutars patungkol sa news audience ng Pilipinas sa isang survery na isinagawa ng local youth group kasama ang Social Weather Stations.

Sinasabi ng survey na mahigit 50% ng mga Filipino youth ang nag-eengaged sa politics sa pamamagitan ng social media, particularly ang Facebook at Twitter.

Ngunit, may isa ring survey mula sa Pulse Asia na isinagawa noong Setyembre 6-11, na nagpapakita na 91% ng adult population ang nagsasabi na sa television sila nakakakuha ng main source ng impormasyon.

Mahalaga ang ganitong mga findings sapagkat malapit na ang election period ng Pilipinas na officially magsisimula sa Enero 9, 2022.

Importante ang mga news sources sapagkat ito ang magkakapag-bigay impormasyon sa choices ng mga voters pagdating ng election day sa May 9, 2022.

(ABS-CBN News)

Continue Reading