Connect with us

National News

PhilHealth, magbabayad ng karagdagang ₱100M sa Red Cross — Gordon

Published

on

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na regular silang magbabayad ng ₱100 milyon para sa free COVID-19 testing ng mga overseas Filipino workers na pinangangasiwaan ng Philippine Red Cross (PRC).

Kinumpirma ito ni Senator Richard Gordon. Aniya, sinabi ni PhilHealth President at Chief Executive Officer Dante Gieran na babayaran ng ahensiya ang kanilang utang.

“Galing na rin sa kanya (Gierran): ‘we will pay ₱100 million at a time…’ Nag-usap na kami, every week ang lumalabas (na payment),” saad ni Gordon.

Mababatid na ang utang ng PhilHealth sa PRC ay umabot na sa ₱1 bilyon.

Sa ngayon, bumaba na lang sa ₱377 milyon ang babayaran ng ahensiya.

Samantala, hindi naman pinansin ni Gordon ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “mukhang pera” ang Red Cross kaugnay sa pag-demand nito sa gobyerno na bayaran sila.

“I’m not going to mind it, I’m just gonna focus on the work. Dapat ngayon, focus tayo sa problema ng COVID, sa problema ng rehabilitation,” ani Gordon.