National News
PhilHealth, may COVID-19 package para sa mga naka-home quarantine na asymptomatic
Makakatanggap ng P5,900 COVID-19 Home Isolation Package (CHIBP) ang isang miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magkaka-COVID-19 na asymptomatic at sa bahay lang naka-quarantine.
Simula Setyembre 2, sagot na ng PhilHealth ang check up at home kit ng mga miyembro na makakapasa sa social at clinical criteria ng kanilang Barangay Health Emergency Response Team.
Pero ayon sa PhilHealth, makukuha lang ang CHIBP sa mga lugar na idedeklarang “surge areas” ng IATF at ang pasyenteng covered ng CHIBP ay dapat nakatira sa mga lugar na nasa high risk.
Ayon kay PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo, kasama sa package ang home kits na may alcohol, pulse oximeter, thermometer, vitamins at oral rehydration.
“Kung meron na, yun tatanggapin na sya ng provider, first consultation kailangan face to face tapos yung susunod virtual na… Inilagay na namin sa package ang home kits na may alcohol, pulse oximeter, thermometer, vitamins, oral rehydration,” aniya.