Connect with us

National News

PHILIPPINE RED CROSS, MULING NAGSIMULA NG PAG-CONDUCT NG COVID-19 TESTING MATAPOS MATANGGAP ANG PARTIAL PAYMENT NG PHILHEALTH

Published

on

Nag-resume kagabi sa pag-conduct ng COVID-19 testing sa Ninoy Aquino International Airport ang Philippine Red Cross (PRC) matapos matanggap ang partial payment ng PhilHealth.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, nakiusap na siya sa mga secretary-general at sa lahat ng laboratories ng Red Cross sa bansa na maging bukas ulit sa PhilHealth.

“’Yan naman ang pangako ko, eh. Pag nag-simula kunin na kaagad lahat ng test gagawin namin. ‘Yung gusto nila ibigay. Kung ayaw na kami bigyan wala kami magagawa, but we are ready to test,” ayon kay Gordon.

Ipinahayag naman nito na ngayong araw, Oktubre 28 mag-uumpisa ang full COVID-19 testing operations ng Philippine Red Cross.

“We are ready to test all the people that we have not tested. ‘Yung mga nasa hotel ngayon, ipadala na nila, te-testinging namin kagaad ‘yan. Kaya namin i-test ‘yan and I have no doubt,” dagdagpa ni Gordon.

Nag-release ang PhilHealth kagabi ng P500-million sa Red Cross bilang partial payement sa utang ng ahensya na malapit sa P1B para sa mga COVID-19 testing na ginawa ng PRC.