Connect with us

National News

Physicians Licensure Examination (PLE) sa Metro Manila, kinansela muna ng PRC

Published

on

Physicians Licensure Examination

Nakansela ang Physicians Licensure Examination (PLE) sa Metro Manila nitong buwan ng Setyembre, ipinahayag ng Professional Regulation Commission (PRC) ngayong Huwebes, dalawang araw bago ang scheduled nang unang araw ng examination.

Ang PLE sa capital region ay magaganap sana sa mga sumusunod na petsa: Setyembre 11, 12, 18, at 19.

“Affected examinees in NCR may take the next succeeding examination without forfeiture of their examination fees,” sinabi ng PRC sa isang advisory, habang nag-aapela na maintindihan sila ng publiko, batay sa ulat ng CNN Philippines.

Pero, ayon sa commission ang naka-schedule na board exam ay sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga ay matutuloy.

Dagdag pa nila na ang mga updates patungkol sa examination ay i-popost sa website ng PRC at sa iba pa nilang social media accounts.

(Source: CNN Philippines)