Economy
Pilipinas kayang malagpasan ang economic fallout dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine – Dominguez
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominquez III, maaaring makaranas ng economic fallout ang Pilipinas dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, gayunpaman, tiniyak niya na malalagpasan ito ng ating bansa.
“The Philippine economy will likely be collateral damage. It is as if we are hit by a ricocheting bullet,” sinabi ni Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa weekly “Talk to the People” briefing batay sa ulat ng Inquirer.
Paliwang niya na hindi kabilang ang Russia o Ukraine sa mga major trading partners ng Pilipinas. Ngunit, maapektuhan ng giyera ang apat na major channels: ang commodity market, financial market, investments, at fiscal health.
Inaasahang tataas ang presyo ng langis at pagkain, at may posibilidad na magkaroon ng pag-taas ng interest rates, sinabi ni Dominguez.
Dahil sa “uncertainty” na dinulot ng giyera, sinabi niya rin na ang mga investements ay maaaring bumaba o pansamantalang maaantala.
“[It] may cause investors from the West to be more conservative and postpone their planned investments,” aniya.
Dahil sa mga pinatupad na sanctions, matagal bago bumalik sa normal ang investor at consumer confidence.
Ang lahat ng ito ay magdudulot sa gobyerno na i-stretch pa lalo ang national budget upang maprotektahan ang vulnerable citizens at ang pinaka-apektadong critical sectors.
“We didn’t expect this crisis to last very long. However, there may be some lingering effects,” aniya.
Gayunpaman, sinabi ni Dominguez na “very well” na nalagpasan ng Pilipinas ang mga nakaraaang conflicts tulad ng Gulf War noong 1990, ang Asian financial crisis nooong 1997, ang oil price shock ng 2008, at ang unang Russia-Ukraine conflict noong 2014.
“These crises lasted much longer and yet we were able to get through them. Based on these experiences, we are confident we have the tools and the preparations necessary to help our people through this crisis,” dagdag niya.
(Inquirer)