National News
PILIPINAS KONTRA GUTOM O ‘EXPANDED ANTI-HUNGER’ PROGRAM NG GOBYERNO, INILUNSAD SA AKLAN
AARANGKADA na sa Probinsiya ng Aklan ang programa ng gobyerno na Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) matapos na nakipagtulungan ang provincial government sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno para labanan ang gutom sa lalawigan ng Aklan.
Ang EPAHP ay isa sa mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakaangkla sa Sustainable Development Goals ng Philippine Development Plan 2017-2022.
Layon ng programa na mabawasan ang gutom at kahirapan sa bansa sa 2030.
Nilagdaan na ni Governor Florencio Miraflores ang Memorandum of Understanding (MOU) para implementasyon ng EPAPH nitong Disyembre 14, 2020 sa Banga, Aklan.
Kabilang sa lumagda sa nasabing kasunduan ay si Engr. Lorena Sioco, division manager ng NIA Aklan-Capiz Irrigation Management Office habang kasama naman sa nasabing programa sina Engr. Rory Avance, acting regional manager ng National Irrigation Administration (NIA-6), at mga provincial managers ng DAR, DTI at DOST.
Kasama rin ang Bureau of Jail Management and Penology, Land Bank of the Philippines, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Agricultural Training Institute-Regional Training Center para sa inter-agency collaboration.
Ang beneficiaries sa nasabing programa ay ang Community-based organizations katulad ng Aklan League of Federation of Irrigators Association (ALFIA) na pinangungunahan ni Mrs. Gina A. Diongson.
Binigyang diin naman ni Miraflores na titiyakin nito na matulungan ang mga rural communities at ang mga miyembro ng ahensiya upang mapanatili ang pagtugon sa seguridad ng pagkain at produksyon sa probinsiya.
Magbibigay din ng supporta ang mga member-agencies ng supplementary feeding programs at regular meals para sa mga residential care facilities maging sa mga inmates.
Sa ilalim ng programa, obligado ang gobyerno probinsiyal, kabilang ang Grain Center of the Office of the Provincial Agriculturist na kunin ang rice production ng Irrigators Association (IAs) at produksyon ng mga magsasaka sa Aklan simula sa 2021.
Isasagawa ito sa pamamagitan ng Palengke Online, Palengke on Wheels, and Kadiwa Market.
Kailangan rin matulungan ng pamahalaang lokal ang mga IAs kasama ang Provincial Health Office at BJMP para sa feeding programs.
Magbibigay naman ng assistance ang NIA-Aklan sa mga IAs sa produksyon ng palay para sa institutional feeding programs. Susuportahan din ng NIA-Aklan ang rehabilitasyon ng mga irrigation facilities.
Samantala, nagpadala naman ng mensahe si Cabinet Secretary, Karlo Nograles para sa mga EPAHP Partners sa naturang programa.
“Masayang masaya ako na despite of this pandemic NIA has remained determine in providing orientations to the different regions and provinces…this is the testament of your hardwork,” pagbati ng kalihim.
“I was informed that there are 10 institutions and departments that will be signing an MOU, I think this is by far the biggest number of institutions forging an MOU together under the EPAHP program at the local level,” dagdag pa ni Nograles.
Inihayag din ng kalihim na lumalawak na ang mga lugar kung saan inilunsad ang Kontra Gutom Program ng gobyerno.
Aniya, sana’y ipagpatuloy pa ng mga EPAHP partners ang kanilang suporta sa mga magsasaka lalo na sa mga Irrigators Associations.
“My dream and challenge to NIA, sana ang programang ito ma-implement nationwide,” lahad pa nito.
“Masayang masaya po ako that we are able to link our IAs with the institutional market the provincial government of Aklan,” ani Nograles.