National News
Pilipinas laglag sa pang-52nd out of 53 na bansa sa Covid Resilience Ranking


Nalaglag sa second-to-the-last na posisyon ang Pilipinas sa COVID-19 Resilience Ranking. Ito’y isang global study na nagsusukat ng resilience ng mga bansa laban sa pandemya.
Base sa Bloomberg’s COVID Resilience Ranking, ang Pilipinas ay rank 52nd out of 53 economies na may score na 45.3 lamang, kasunod ng Pilipinas ang Argentina, ang bansang nakakuha ng pinakamababang rank na may score na 37.
Ang mga indicator na ginamit sa study ay, percentage of people who have been vaccinated, the severity of lockdowns, flight capacity, vaccinated travel routes, one-month cases per 100,000 population, one-month case fatality rate, total deaths per 1 million people, at positivity rate.
“India, the Philippines, and some Latin America countries rank lowest amid a perfect storm of variant-driven outbreaks, slow vaccination, and global isolation,” sinabi ng Bloomberg sa kanilang write-up.
Dagdag pa ng Bloomberg na ang overall ranking ng United States “reflects a best-case scenario of high vaccinations, a waning outbreak, flight capacity nearing full recovery, and few travel curbs on vaccinated people.”
Nauna sa ranking ang United States na mayroong high resiliency score na 76, pumangalawa ang New Zealand na 73.7, sinundan ito ng Switzerland at Israel na may score na 72.9, at France na 72.8.
Ang mga bansa naman kasama sa top 10 ay Spain na may score na 72, Australia na 70.1, Mainland China na 69.9, United Kingdom na may score na 68.7 at South Korea na 68.6.
Samantala, ang mga bansang nakakuha ng mababang score sa ranking ay Malaysia na may resilience score na 46.6, sumunod ang India na may score na 47.7, Indonesia na 48.2, Columbia na 48.6, Pakistan na may 50.7, Bangladesh na may score na 51.3, sinundan ito ng Peru na may 51.4 at Taiwan na may 52.1.
Source: Inquirer