Connect with us

National News

PILIPINAS, MAY PINAKAMAHABANG LOCKDOWN SA MUNDO; 3.2 MILYONG RESIDENTE SA NCR NAKARARANAS NG GUTOM — ACTING SOCIOECONOMIC SEC. KARL CHUA

Published

on

Ang Pilipinas ang may pinakamahabang lockdown sa mundo hinggil sa pagtugon ng pandemya ayon kay Acting Socioeconomic Sec. Karl Chua.

Inihayag ito ni Chua sa isang meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng IATF.

“Isang taon na tayong nasa lockdown. This is the longest among the countries in the world. As a result, 3.2 million people in NCR are estimated to be hungry,” saad ni Chua.

Muling inirekomenda ni Chua ang pagpapatupad ng localized lockdown para hindi maapektuhan ang kabuhayan ng karamihan.