Connect with us

COVID-19

Pilipinas nasa “high risk” sa COVID-19 – DOH

Published

on

PH now in 'high risk'

Muling sinailalim sa high risk infection ng COVID-19 ang Pilipinas ayon sa Department of Health kahapon, kasunod ang patuloy na pag-taas ng mga kaso.

“Nationally, we are now at high risk case classification from low risk case classification in the previous week, showing a positive two-week growth rate of 222% and moderate risk average daily attack rate of 1.07 cases for every 100,000 individuals,” saad ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa kabila ng pagtaas ng mga kaso, nanatili namang nasa low risk ang healthcare utilization rate sa buong bansa, na kung saan ang total bed utilized ay nasa 18% lamang. Samantala, 22% naman ng mga beds sa intensive care units ang nagagamit.

Ang Metro Manila naman ay nasa “high risk” rin sa virus, ayon kay Vergeire. Mayroon itong 813% growth rate na kaso at average daily attack rate na 5.42 kada 100,000 na tao sa loob lamang ng dalawang linggo.

Nananatili namang mababa pa rin ang healthcare utilization sa Metro Manila.

Sa gitna ng mabilis na pagtaas ng mga kaso, isinailalim ang capital region sa Alert Level 3 hangang Enero 15.

Ayon sa health official, ang Central Luzon, Calabarzon, Zamboanga Peninsula, Northen Mindanao at Davao Region ay may naitala ring positive one-week at two-week growth rates.

“These regions are at low to moderate risk classification. The rest of the regions showed positive increased in cases only in the recent one week,” sabi ni Vergeire.

Nakitaan muli ng panibagong pagtaas ng mga kaso sa Pilipinas, na kung saan iniuugnay ito ng mga awtoridad sa pag-taas ng mobility ngayong kapaskuhan at bagong taon, pati na rin ang lax compliance sa mga health protocols.

Ang pagkalat naman ng mas nakakahawang Omicron variant sa mga komunidad ay “assumed” na ng mga health authorities kahit hindi pa ito kumpirmado sa pamamagitan ng genome sequencing, ayon kay Vergeire.

“Based on our current observation, our assumption is it’s now in the community because we have seen a sudden increase in the number of cases,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay naka detect na ng tatlong local cases at 11 imported cases ng Omicron variant.

Binalaan naman ng DOH na ang “exponential growth” sa mga bagong kaso ng COVID-19 ay maaaring dahil sa Omicron, na nakikitang mas nakakahawa kaysa sa Delta variant.

Ayon sa ulat ng ahensiya noong Linggo, may karagdagang 4,600 na kaso, at may kabuuang bilang ng active cases na 21,418.

(Source: PhilStar)