National News
Pilipinas, pumapangalawa sa mga bansang talamak ang online sexual abuse
Pumapangalawa ang Pilipinas sa India sa mga bansang may pinakamataas na kaso ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).
Ayon ito kay Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Deputy Executive Director Asec. Mary Rose Magsaysay sa ginanap na budget hearing sa senado.
Itinuturing ng ibang mga bansa na ‘unethical’ pagdating sa paggamit ng internet ang Pilipinas dahil ikalawa ang bansa sa buong mundo na talamak ang online na sekswal na pang-aabuso sa mga kabataan.
Inamin naman ni DICT Secretary Ivan John Uy na isa sa mga rason ang kahirapan sa bansa at kakulangan ng kagamitan para mapaigting ang ating cybersecurity at matukoy ang mga online predators.
Ikinagulat naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na number 2 ang Pinas sa OSAEC sa kabila ng pagiging isang developing nation ng Pilipinas at hindi hamak na marami pang mas mahihirap na bansa kumpara sa atin.
Dagdag pa ni Magsaysay, tinukoy ng United Nations ang Pilipinas bilang ‘hotbed’ o pugad ng online scamming na aniya’y nagtatago sa mga POGOs.